Pag-ibig, isang makabuluhang bagay, ito ay nag mimistulang isang mahika sa buhay ng tao marahil dahil ito ay masyadong makapangyarihan at kayang baguhin ang isang tao. Bata, matanda, payat o mataba ay alam ang salitang pag-ibig o pagmamahal. Parati ko itong naririnig kung saan-saan. Sa paaralan, sa simbahan, sa mall o maging sa kalye man lahat ng tao pinag-uusapan ito. Ngunit may nagsabi saakin na kapag ikaw ay nagmahal, dapat handa ka ring masaktan. Maraming sumasaya dahil sa pagmamahal o pag-ibig, ngunit mas maraming lumuha, umasa at nasaktan ng dahil dito. Ano nga ba talaga ang pag-ibig? Distraksyon o solusyon? Sisimulan natin yan sa isang magandang tanong. Nagmahal ka na ba? Umibig ka na ba? Naranasan mo na bang masaktan? Umiyak ka na ba dahil dito? Naranasan ko ng umasa, pinaasa at umiyak dahil sa isang tao pero tama nga ba na iyakan ko sya? Tama bang ipakita ko sa kanila na ako ay lubos na nasasaktan, na ako ay umiiyak? Marahil hindi dahil nagpapahiwatig lamang iyon ng iyong kahinaan. Ito ay nagpapahiwatig kung gaano ka kahina. Mas mabuting ang ipakita mo sa kanila ay ikaw ay matibay na ikaw ay malakas at hindi kayang tibagin ng isang walang kwentang taong nagpaasa sayo at nagbigay sayo ng sakit, sakit na hindi mo pa naranasan. Maraming sumaya sa simula ngunit sa huli ay nasaktan Para sa akin ang pag ibig ay isang distraksyon lamang. Sa buhay at sa pag-aaral. Oo sa simula matuturing mo irong solusyon dahil sa pagiging inspirado mo ngunit ito ay dala ng iyong nararamdaman na saya.


Marami na tayong nababasa ang naririnig kung anong ibig sabihin ng pag-ibig o pagmamahal, marami rin tayong nakikitang mga bagay kung bakit marami ang Masaya, bakit may lumuluha o bakit yung iba ay nagloloko.Ang pagibig ay hindi dapat pinaglalaruan dahil mahirap ayusin pag nasira. Pagkatapus nyo magpaalam sa isat isat. Anu ba talaga ang dapat pairalin para maka move on ng mabilis. Kung mahal mo talaga sya, dapat ibigay mo kung anu ang gusto nya. Suriin natin ang ating sarili. Baka naman nagiging makasarili na tayo at ang gusto lang natin ang nasusunod. May pagmamahal na ang gusto ay akin ka lamang at hindi mo na alam kung masaya paba sya or hindi. Magiging masaya kaba kung alam mong hindi na masaya sayo ang taong mahal mo? Paano kung magiging masaya sya sa iba nang tao at hindi sayo? Paano mo ipakita na mahal mo sya kahit wala na sya sa tabi mo. Hindi lahat ng pusong nagmamahal ay nakakaunawa nito. Kaya napapalitan ng galit or sama ng loob ang dating pagibig.Base naman sa karanasan ng aking kaibigan. Tanging galit lang ang gusto nya gawin at maramdaman. Ang salitang paghihiganti ang tanging bukang bibig nya. Ganito talaga ang ginagawa at nasasabi ng galit na puso. Tuluyan na nagbago ang pagmamahal nya kaya ganun nalamang kung makapagsalita sya ng masakit. Hindi naman tayo naglalaro, seryoso naman at naging totoo tayo sa pakikisama ngunit ang kabiguan ay hindi maiwasan. Wala na talaga sigurong pagibig na natira sa puso nya. Sa tingin ko ay hindi madaling makalimot sa ganitong paraan. Ang magpatawad ang tangi nyang kailangan para mawala ng galit nya sa puso. Sa ganitong paraan unti unting mawawala ang galit at sama ng loob nya sa oras na matangap nya ganun talaga ang pangyayari.